ang MRT?LRT station ay halos magkakadugtong lang. at kung sasakay ka dito na tipong trip lang ay maiikot mo ang kahabaan ng EDSA at kalawakan ng Metro Manila...
ako nasubukan ko na at madalas ko pa ngang ginagawa sabi ko naman sa inyo kesa magpunta ako sa mall mas pipiliin kong kong maglakad lakad sa kalye para mas may matutunan ako. sa kabila ng init at pagod eh im sure maeexcite ka sa mga nakikita mo. naku sigurado din ako eh mag aabang ka ng maookray mo hahaha.. parang ako parang ang kwento.
isang araw dahil dito ako nakabase sa EDSA sinumulan ko ito sa cubao station... naku grabe ang tao dito hindi magkamayaw dahil sa dami at sari-saring tao... lahat ng amoy maaamoy mo kasi kapag gumala ako eh hapon yung tipong kasalubong ko lahat ng tao. mula sa cubao station papunta ako ng recto station (LRT) so madadaanan ko ang lugar ng gilmore pureza v mapa hindi ko alam pagkakasubod sunod eh basta alam ko bababa ako ng recto hehehe... pero aminado ako na sa linyang ito ng LRT eh mga studyante kasabay ko yung mga nagaaral ng UP ganun at sa ibat ibang unibersidad pa na madadaanan namin. so medyo kampante lang ako dito. sa mga madadaanan mo dito makikkita mo ang kaloobloobhan ng maynila makikita mo ang sandamamak na squaters na wala kang magagawa dahil nandyan na iyan bago ka pa isilang. makikita mo din ang napakadaming tao na pabalik balik sa ibat ibang estblismyento na wala ng ginawa kungdi mamasyal. dito ko din nakit ang mga taong nagtitinda, mga sidewalk vendors mga samalamig vendors mani vendors at sari saring mga vendors pa dito din ako nakakita ng nangongotong na pulis, at yung mga sindikato na nanghihingi ng lagay sa mga jeepney drivers akala ko sa pelikula ko lang nakikita yun totoo pala kasi ang tinutumbok kong lugar ang divisoria recto .. kung saan mas maraming klase ng tao ang makikita mo hehehe.. \
pagdating ko ng recto station bababa muna ako para tumingin tingin ng mabibili sa divisoria at pagkatapos sasakay ulit ako ng LRT line 1 nalimutan ko yung pangalan ng station na yun pero mula dun babagtasin ko naman TAFT avenue na kung saan makikita mo ang sentro ng maynila yung tipong madals mong mapanuod sa TV ahh dito halo halo na talaga ang mga tao dito ako nagiingat sa sarili ko kasi andito ang mandurukot laslas gang at ibat ibang modus operandi... kapag nakasakay ka dito ang hangganan naman ay baclaran isang lugar din na naku makikita mo din ang ibat ibang tao pero medyo seryoso kasi nga sumimba sa simbahan ng baclaran... habang binabagtas mo naman ang TAFT avenue makikita mo naman ang mga taong pabalik balik naman sa paghahanap ng trabaho sa pagaayos ng mga papeles sa mga magaabroad sa nbi sa court of appeals o supreme court/ sa mga seaman sa mga wanted na sales lady kung baga dito sa lugar na ito makikita ang napakaraming agencies...
pagkatapos ko sumimba sa simbahan ng baclaran kasi mahilig akong sumimba sa ibat ibang simbahan babalik ako EDSA station kasi sasakay naman ako ng MRT pabalik sa pinanggalingan ko hehe. dito naku mga mayayabang ang makikita mo hahah pero may mababait naman kasi nga dito sa sakayang ito makikita mo ang mga corporates na nagtratrabaho sa call center sa mga opisina sa mga mall na malalaki at sa lugar na kung saan hindi makita ang langit sa tataas ng building... dito mo naman nakikitang maglakad ang mga naka starbucks kumakain sa yellow cab at sa primyadong restaurants dito mo din masasaksihan ang mga taong palakad lakad dahil sa kagustuhan magkapera ng malaki dahil sa pagoopisina haha office work kung baga,,..
sa pagiikot ikot gamit ang MRT at LRT napakadami ko na kaagad natutunan.. napakadami ko ding nasaksihan wala akong ibang ibig sabihin sa isinulat ko wala din akong ibang ibig ipakahulugan... ang sa akin lang masaya akong nakasalamuha ang mga tao dahil dito may mga bagay akong natutunan dahil nakita ko sila at alam kong matututo ako kukng makakausap ko pa sila.... obserbasyon lang po ito ni Barong Baysan.
No comments:
Post a Comment