minsan naglakad ako sa kahabaan ng edsa... trip lang wala magawa kasi antok ako pro hindi makatulog. ikaw ba naman ang nagtratrabaho sa isanng malaking call center na nagdedamand sa iyo na galingan ang trabaho at kapag hindi mo ginalingan eh mawawalan ka ng trabaho...
masyado na akong pressued sa ginagawa ko, at sa loob ng 2 taon kong pgtratrabaho sa kumpanyang ito mukhang susuko na ako. hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ang sakit ng katawan ang pagdurugo ng ilong ko at ang walang katapusang metrics na kailangang i-hit sa bawat gabi, linggo at buwan. hindi ko na maramdaman na ang sarili ko...
kaya naisip ko na maglakad-lakad na talaga namang ginagawa kahit dati pa nagkataon lang na nadito ako sa maynila. sawa na ri ang sa mga mall kasi pare-pareho lang din naman ang makikita mo. at sa maniwala ka at sa hindi kahit sa call center ako nagtratrabaho 20 pesos na lang laman ng bulsa. kungbaga naghihintay na lang ako ng pagpasok ng sweldo pero isang araw pa ang palilipasin ko.
sa paglalakd ko sa kahabaan ng EDSA nakita ko itong isang bata na nakahiga sa footbridge ng ortigas, yung matanda sa may santolan MRT station, yung bulag sa may farmers cubao, yung mag-ina na nanghihingi ng pamasahe dahil gustong makauwi sa may baliwag transit station... hindi ko alam kung sindikato ang mga itopero maawain talaga ako. hindi ko kayang isipin na habang nakaupo ako sa malambot na upuan sa malamig na aircon at sa magarang lugar ay mga taong nakaupo sa gitna ng kalye, mainit at kumakain sa sahig ng kalye. nadudurog talaga ang puso ko kapag nakakakita ako nito, pero, alam ko wala naman akong ginagawa.
naisipan ko ng bumalik pagod na ako masaki na ang paa ko... pero bago ako bumalik eh bumili muna ako ng samalamig at tinapay sa halagng 10 pesos, at habang naglalakd ako pabalik ng crossing edsa ay binalikan ko ang mga taong nakita ko sa aking paglalakad habang ang natitirang pera sa bulsa ko ay pinaghati- hati ko sa kanila. hindi ko na inisip na kailangan ko pa ng isang araw para kumain basta ang lam ko ibibigay ko sa kanila ito dahil malaking bagay ito sa kanila.
kinabukasan pagkakuha ng sweldo ko yung isang kusing na ibinagy ko sa kanila pinalitan ng DIYOS ng libo-libong kusing yun ang magic or i should say the blessing
No comments:
Post a Comment